Oh for fuck's sake..
Ang saya ng araw na ‘to. Nagbond kami ni Kevin nang sobra! Nakakatawa kasi ang hyper at ang kulit kulit niya. Isang class lang yung pinasukan naming dalawa tapos rekta na sa bahay ko para tumengga. Pagdating naman sa bahay inasar nya kagad ako. BV! Sinulatan pa yung likod ng baby picture ko ng “Myra the Botchog and the Manyak” SOBRANG SWEET LANG EH SHET. =))
Nagpadeliver din kami ng Mcdo at after kumain, tulog ako. HAHAHA WALA NA AKONG IBANG GINAWA KUNDI TULUGAN SIYA. Alam mo yung feeling na parang nakatulala ka na lang sa araw kasi wala ka nang makita dahil sa sobrang pagkaantok? Bengga. Yun yung naramdaman ko kanina. Sinasampal ko na nga yung mukha ko para di makatulog pero walang nangyari. Syempre, si Kevin, as usual, higit isang oras na nakatulala at nagyoyosi sa kwarto ko habang mahimbing akong natutulog. Hahahaha!
Pinakamalala sigurong nangyari ngayon eh nung tumae ako eh. HAHAHA TARANTADO KASI SI KEVIN BINUKSAN YUNG PINTO. =)) Nakakatawa! Binablackmail pa niya ako na pag di ko daw iniwan na open yung door ng cr, di niya gagawin yung paper sa Natsci. Lol! Pero ayos lang, sobrang casual na rin naman talaga namin sa isa’t isa kaya okay lang. :-bd
Pinicturan pa niya ako habang nagseseremonya ako sa banyo. Puta ata. Hahahaha! Pero, malamang lamang hindi ko ipopost yun. Hindi naman ako siraulo para ipangalandakan yung litrato ko sa banyo. Nakakatawa talaga ang kulit. =)) Hahahaha.
Ayun, natapos ‘tong araw na ito na masaya. Kahit medyo emo ako nung weekend, bawing-bawi naman ngayon. :D Astig ang saya ko talaga. HAHAHAHA!